May nangyari kanina sa bahay habang naglalaba si Mama na hanggang ngayon natatawa pa rin ako pag naaalala ko.
Alam niyo naman yung normal na eksena kapag naglalaba ang nanay,tubig dito, sabon doon, tapos isa-isang kinakapa yung bulsa ng shorts baka may barya o papel na nakalimutan. Ganun din ginawa ni Mama kanina. Habang kinakamay niya yung shorts ni Papa, bigla siyang may nakapa sa bulsa.
Akala niya barya lang o pako galing sa trabaho ni Papa. Pero nung hinugot niya… aba! FANTY pala.
Napahinto siya sandali. Tiningnan niya ng maigi. Ako na nasa gilid lang nagse-cellphone, napansin ko yung mukha ni Mama na parang nag-iisip. Syempre sa ibang bahay baka away agad yun,tanong, duda, interrogation levels.
Pero si Mama, ibang klase. Hindi siya agad nagalit. Titig lang siya nang titig dun sa panty. Tapos bigla siyang napangisi.
Sabi niya, “Ano ba ‘to?”
Nilapit niya pa sa mata niya. Dun na niya napansin… BUTAS-BUTAS na pala yung panty. As in hindi lang isang butas ha,parang dinaanan ng daga o napagluma na talaga. Halos himulmol na yung tela.
Dun na tuluyang natawa si Mama. Yung tipong tawa na napapailing siya habang hawak yung panty.
Saktong dumaan si Papa galing labas. Walang kamalay-malay sa nangyayari. Pawis pa at mukhang pagod.
Tinawag siya ni Mama, “Hoy! Halika nga dito sandali.”
Lumapit naman si Papa na parang normal lang ang lahat. Tapos inabot ni Mama yung fanty sa kanya.
Sabi ni Mama habang pigil ang tawa:
“Eto oh… nakita ko sa bulsa ng shorts mo.”
Napatigil si Papa. Kita sa mukha niya yung gulat at pagkalito. Parang naglo-loading yung utak niya kung paano napunta yun doon.
Pero bago pa siya makapagpaliwanag, tinaas ni Mama yung fanty at sinilip ulit yung mga butas.
Tapos sabi niya nang pabiro pero may halong pang-aasar:
“Alam mo, hindi na ako magseselos eh.”
Napakunot noo si Papa. “Bakit?”
Sabi ni Mama habang inaabot ulit sa kanya yung fanty:
“Kung kabet mo man ‘to… magsama na lang kayo. Pero paki sabi sa kanya bumili naman siya ng bago. Ang cheap naman ng fanty niya, butas-butas pa!”
Dun na ako napatawa nang malakas. Kahit si Papa napatawa na lang din sa hiya. Hindi na siya nakapagpaliwanag kung kanino yun o paano napunta sa bulsa niya.
Hanggang ngayon, tuwing naaalala ni Mama yung fanty na yun, natatawa pa rin siya sabay sabi:
“Kung mangangaliwa man lang, sana yung may maayos na fanty.
Kinabukasan, akala namin tapos na ang usapan tungkol sa “misteryosong fanty.” Pero hindi pala. Si Mama, tuwing makikita si Papa, may pahabol na banat.
Habang nag-aalmusal kami, bigla na namang nagsalita si Mama:
“Hoy, sure ka ba na wala ka talagang gustong aminin?”
Napatingin si Papa, hawak pa yung kape niya. “Ano na naman ‘yon?”
Sabi ni Mama, nakangiti:
“Baka may gustong mag-claim nung fanty kahapon ah.”
Napailing si Papa. “Grabe ka talaga… hindi ko nga alam kung saan galing ‘yon eh.”
Ako naman, tahimik lang pero natatawa sa gilid. Ramdam ko na hindi na seryoso si Mama—pang-aasar na lang talaga.
Maya-maya, biglang may naalala si Papa. Parang may nag-click sa utak niya.
“Ah! Wait… baka alam ko na!”
Napatingin kaming dalawa ni Mama.
Sabi ni Papa, “Noong isang linggo, di ba tumulong ako kay kumpare sa paglipat ng gamit nila? Baka napasama sa mga damit na binuhat ko. Nilagay ko kasi sa bulsa ko yung ibang maliliit na gamit para hindi mawala.”
Napataas ang kilay ni Mama. “Talaga lang ha?”
Tumawa si Papa. “Oo! Eh hindi ko naman iche-check kung ano ‘yon isa-isa.”
Napangisi si Mama. “Hmm… sige, benefit of the doubt. Pero next time ha—i-check mo muna. Baka kung ano pa makuha mo.”
Simula noon, naging inside joke na sa bahay yung “butas-butas na fanty.”
Tuwing may makikitang lumang damit si Mama, sasabihin niya agad:
“Ay, itapon na ‘to. Baka mapunta pa ‘to sa bulsa ng Papa niyo.”
O kaya naman kapag lalabas si Papa, pahabol ni Mama:
“Siguraduhin mong wala kang uuwi na souvenir ha… lalo na yung may butas!”
Napapakamot na lang si Papa sa ulo sabay tawa.
Pero sa totoo lang, sa kabila ng lahat ng biro, makikita mo na matibay yung samahan nila. Walang selos na nauwi sa away, walang drama na lumaki. Ginawa lang nilang katatawanan.
Minsan, narinig ko pa si Mama na nagsabi habang natatawa:
“Alam mo, hindi naman lahat kailangan gawing problema. Minsan, tawanan mo na lang… mas gagaan pa.”
At si Papa, ngumiti lang sabay sagot:
“Buti na lang talaga ikaw asawa ko.”
Kaya hanggang ngayon, tuwing naaalala namin yung araw na ‘yon, hindi na siya tungkol sa hinala o duda—
kundi tungkol sa isang simpleng pangyayari na naging dahilan para mas tumibay pa yung samahan… at syempre, magkaroon kami ng kwentong paulit-ulit naming pinagtatawanan
News
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love.
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love. “Unang beses na lalakad si Lianne sa red carpet pagkauwi niya ng Pilipinas, kailangang maging napakaganda niya. Pagkatapos ng event, ibabalik…
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO YUN, KAYA IYAK NA SIYA NG IYAK DAHIL MERON DAW AKONG BABAE KAHIT SABI KO WALA
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO…
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITO
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITOMinsan talaga, kung sino pa ang kadugo mo, sila pa ang unang tumatama sa pride mo.Nagtipon-tipon ang buong pamilya para sa isang masayang reunion—yung tipong maraming pagkain sa mesa,…
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAY
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAYMay mga pagkakataon talaga na kahit gaano ka kapasensyoso, darating ang punto na mapupuno ka rin.Lalo na kapag ang isang tao ay nakikitira na nga lang…
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKIN
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKINMinsan, ang hirap kapag ang tingin ng pamilya mo sa “rest day” mo ay “extra time” para sa kanila.Akala nila dahil wala…
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOK
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOKMay mga kapitbahay talagang parang may invisible pass sa bahay mo kahit wala naman talaga.Tawagin niyo na lang akong Lena.Tahimik lang sana ang buhay…
End of content
No more pages to load