TATLONG WISH NG EX BOYFRIEND KO BAGO MAMATAY. FIRST WISH: Gusto niyang magpa-drive thru sa McDo na naka-barong at may crown…..
Hi Ambenture.
May confession po ako na tuwing naaalala ko… hindi ko alam kung tatawa ba ako o iiyak.
Call me Patricia, 27.
May naging boyfriend ako noong college days. Pangalan niya ay Billy.
Three years na siyang wala ngayon dahil sa Organ failure at degenerative condition ang kumain sa katawan niya nang paunti-unti.
Alam niyo yung feeling na alam mong may deadline na ang mahal mo?
Ganun ang naramdaman ko.
Literal na may bilang ang araw niya.
Five months bago siya kinuha ni Lord, habang nasa loob kami ng pick-up ng Papa niya, bigla siyang nagsabi sakin:
“Baby, may tatlo akong wish bago mamatay. Not sure kung matutulungan mo ako. Weird, pero seryoso ako.”
Bilang girlfriend niya, sinabi ko sa kanya.
“Sa abot ng aking makakaya, gagawin ko. Basta maging happy ka.”
Nakiusap kasi ang parents ni Billy na alagaan ko siya sa huling sandali niya. Mababait ang mga parents niya nahihiya akong tumanggi at sila din ang nagbibigay ng allowance ko before, kapalit ng pag-aalaga ko kay Billy.
Okay, so ito na an first wish ng ex ko.
FIRST WISH:
Gusto daw niyang magpa-drive thru sa McDo at Jollibee…na naka-barong. At may crown.
Trip lang niya.
Sabi niya,
“Gusto ko lang maramdaman na royal ako kahit once lang.”
Humiram kami ng Barong Tagalog sa Tito niya.
Bumili ako ng plastic crown sa Shopee worth 185 pesos. May fake gems pa Yun na panlalaki.
Naka-pickup kami para mas kita siya.
Pagpasok namin sa drive-thru ng McDo, pinagtitinginan siya ng crew sa window at ibang mga tao. Yung isa nagpipigil pa ng tawa. Yung isa nagtanong:
“Sir… may event po ba?”
Sabi niya, straight face:
“Coronation ko po.”
Gusto ko nang lumubog sa Pick-up nun. Pero support is support.
Nag-order lang siya ng shake shake fries BBQ flavor. Fries lang.
Sa Jollibee, mas malala. May batang sumigaw:
“Mommy may hari!”
Nag-order naman siya ng Jolly Spaghetti.
Nakangiti lang siya habang hawak yung fries niya parang scepter.
Wish number one?
Mission accomplished.
Tinanong ko agad kung anong second wish niya kinabukasan na parang ako na si Genie Espiritung nagbibigay ng kahilingan.![]()
SECOND WISH niya:
Gusto niyang maging ring bearer sa random wedding. Nagdalawang isip pa ako kung kaya kung iparanas sa kanya yun. Ang hirap ng second wish niya.
Hindi dapat kilala ang couple.
Bata ang ring bearer normally. Pero siya, 23 years old na may medical condition.
One week akong naghanap ng magjowang ikakasal. Naghanap pa ako sa Facebook groups. Community pages na malapit samin.
Nag-PM ako sa bride-to-be na nakita ko sa isang local wedding group.
Sabi ko:
“Hi po, medyo weird request pero terminally ill po ang boyfriend ko. Isa sa wish niya ay maging ring bearer kahit isang beses. Kakapalan ko na ang mukha ko para lang matupad ang hiling niya.”
Akala ko seen zone lang ako.
Pero sumagot sila.
Sabi ng couple, Mr. and Mrs. Rodriguez ngayon
,
“Life is short. Let’s make it meaningful.”
Naiyak ako nung binasa ko yun. Thank you so much po talaga kung mababasa niyo to.
Nung Wedding day nila, naka-bow tie ang boyfriend ko. Hindi siya makalakad ng maayos Pero kinaya naman niya.
May mga bulungan sa likod.
Pero nung inexplain ng officiant ang dahilan, natahimik ang simbahan.
Hawak niya ang pillow ng singsing parang Olympic torch.
Pagkatapos ng ceremony, tumatalon pa siya sa saya kahit hingal na hingal.
Sabi niya sakin,
“Thank you so much baby, hindi ito matutupad pag wala ka.”
Umiyak ako ng a little bit pero nagdasal ako na yung third wish niya ay sana hindi na kahihiyan ang ipagawa.
Pero gusto ko siguraduhin na fulfilled siya.
And his last final wish…
THIRD WISH:
Gusto niyang maglakad sa kalsada na may bodyguard na isang Barangay tanod.
VIP vibes.
Hindi na ako nahirapan dito dahil Barangay tanod ang Papa niya. Sinabi ko sa parents niya ang final wish niya. Mapapa-thanks God nalang ako at hindi na ako ang mapapahiya. Yung Papa na niya![]()
8AM nun, nagsuot siya ng tuxedo.
Trip na naman ulit.
Lumabas siya sa barangay nila.
Sa likod niya, dalawang tanod.
Yung papa niya nasa kanan, seryoso ang mukha na nahihiya. Kaliwa niya ay tropa ng Papa niya.
May kapitbahay na nagtanong:
“May kaso ba yan?”
Sabi ni Billy,
“Wala po. Main character lang ako today.”
Naglakad siyang parang senador Robin Padilla.
Nag-wave pa sa mga bata.
Isang araw lang naman ang hiling niya. Kaya pinagbigyan na namin.
Two days after that, dinala siya sa hospital. Hindi na siya nakauwi. Kinuha na siya ng Panginoon.
Hindi ako nag-breakdown agad.
Ang tumatak sa isip ko yung tatlong wish niya bago namatay.
Hindi lungkot ang iniwan niya sakin.
Kundi tatlong kwentong sobrang weird pero sobrang iniingatan ko.
Billy taught me something.
Pwede palang harapin ang kamatayan nang naka-crown. Pwede palang magpaalam nang nakangiti. Alam kong masaya kana sa piling ni Lord, Billy. Ginawa ko lahat para mapasaya ka sa huling sandali mo dito sa mundo.
Ngayon may boyfriend na ako ulit.
At alam kong, kung nasaan man si Billy, naka-barong pa rin yun at nag-oorder ng fries sa langit.
Hindi lahat ng hari may kaharian.
Yung iba, tatlong wish lang ang kailangan para maging alamat.
News
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad./hi
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad. Biglang tumayo ang boyfriend ko sa gitna ng maraming tao at…
Pero nang mabalitaan ko ang nangyari doon sa mag-asawang lesbian sa kabilang kanto, medyo kinabahan din ako, kaya laging nagpapaalala si Gerson sa akin//
“Ipinasok kay Tiya” “Mahal, gabi na, magsara na tayo.” “Maya-maya na, sayang naman, may mga dumarating pa na bumibili,” sagot ko sa aking asawa. “Eh, medyo masama ang panahon at umuulan, wala na siguro nabibili. Mahirap na, uso pa naman…
Nahuli ko $! m!$!$ na kasama sa kama @ng Ex ny@
Nahuli ko si misis na kasama sa kama ang Ex nya Gabi ng Biyernes sa aming bahay sa Sampaloc, Manila. Katatapos lang namin mag-dinner nang mapansin kong nagmamadaling mag-empake si Clara. Seryoso ang mukha niya at parang balisa. “Hon, tumawag…
UMIYAK ANG ANAK NG MILYONARYO GABI-GABI… AT WALANG SINUMAN ANG GUSTONG MALAMANG KUNG BAKIT.
Pinapagana ng GliaStudios Hindi nakatulog si Clara nang gabing iyon. Naupo siya sa maliit na silid na nakatalaga sa kanya sa pakpak ng mga katulong, inuulit ang bawat tunog, bawat salita, bawat kilos na ginawa ng batang lalaki. Pinalaki niya…
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma.
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma. Ipinagbili ako bilang asawa ng isang…
NAG-TEXT ANG ASAWA KO: “HAPPY ANNIVERSARY, BAE. STUCK AKO SA TRABAHO.” PERO NASA OPISINA NA NIYA AKO AT PINAPANOOD SIYANG MAY KAHALIKANG IBA. BIGLANG MAY BUMULONG SA LIKOD KO: “WAG KANG MAINGAY. MAGSISIMULA NA ANG TUNAY NA PALABAS.”
Ang Simula: Ang Sorpresa at Ang Kasinungalingan Ikalimang anibersaryo namin ng asawa kong si Eric. Dahil alam kong naging sobrang busy siya sa kanyang trabaho bilang Finance Director sa isang malaking kumpanya, nagdesisyon akong i-surprise siya. Nagluto ako ng paborito…
End of content
No more pages to load